Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Indonesia at Singapore sa susunod na buwan.

Ito ang isinapubliko ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes.

"Iko-confirm ko rin lang po 'yung dalawang state visit, to Indonesia at saka to Singapore. Itong September 4-6 sa Indonesia at 6-7 sa Singapore. Kung may katanungan dito, actually wala pa tayong masyadong detalye pero kino-confirm namin na tuloy po ito," sabi ni Cruz-Angeles.

Ito ang unang state visit ni Marcos bilang Pangulo ng bansa, ayon kay Cruz-Angeles.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Kaugnay nito, inaayos pa aniya ang planong pagbisita ni Marcos sa United States kung saan inaasahang dadalo ito sa United Nations General Assembly.