Isasara muna ang Senado sa Lunes, Agosto 22, upang isailalim sa disinfection matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang pito nitong senador, ayon sa pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Biyernes.

"I have instructed the Secretariat to conduct a thorough cleaning and disinfection of all Senate offices. For this reason, there will be a total lockdown of our Senate building and all Senate employees shall work from home and need not report to the Senate on Monday," pahayag ni Zubiri sa mga mamamahayag.

Gayunman, bukas na ito sa publiko sa Martes, Agosto 23, banggit ng senador.

Inilabas ni Zubiri ang desisyon matapos tamaan ng virus sinaSenate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Cynthia Villar, Imee Marcos at Alan Peter Cayetano.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

Aniya, nakasalamuha ng mga natukoy na senador ang kanilang empleyado kaya umapela ito na bantayan ng mga ito ang kanilang sarili laban sa Covid-19.

Sina Ejercito at Binay aniya ang huling nahawaan ng sakit sa Senado.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 3,844,708 na ang kabuuang nahawaan ng sakit sa bansa matapos maidagdag ang 3,758 na bagong kaso nitong Huwebes, Agosto 18.