Ibinida ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo ang kaniyang kakaibang karanasan: ang freediving o pagsisid sa kailaliman ng dagat na talaga namang nagkapagbigay sa kaniya ng kakaibang "slate of consciousness".

Makikita sa latest Instagram post ni Heaven ang video ng kaniyang pagsisid sa dagat kung saan nakita niya ang mga korales na nakapaloob dito.

“Just take a deep breath and relax," aniya.

Napagtanto raw niya ngayon kung bakit maraming "naaadik" sa freediving.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Been wanting to try freediving for so long and I finally did! Something I can say is that its more on mental than anything else I’ve tried. So challenging yet so simple at the same time. I can see now why freediving is addictive."

"It’s like entering into a new state of consciousness. If you’ve been thinking of trying this out, do it! I promise you, it’s a whole different experience," aniya.

Pinasalamatan ni Heaven ang mga taong umagapay sa kaniyang pagsisid, gayundin ang photographer na kumuha ng video at litrato sa kaniya.