Isang rider ang patay habang sugatan ang kanyang dalawang angkas nang makabanggaan ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang pampasaherong jeepney sa Binangonan, Rizal nitong Linggo.

Dead on arrival sa Margarito Duavit Memorial Hospital ang biktimang si Rhonel Pacho dahil sa mga sugat sa ulo at katawan habang sugatan naman at nilalapatan ng lunas ang kanyang backriders na sina John Lloyd Reconasa at Maria Fajardo.

Arestado naman ang driver ng passenger jeepney na si Edgardo Quebic, na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries.

Batay sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station na inilabas nitong Lunes, dakong alas-6:42 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Manila East Road, Brgy. Pag-asa, Binangonan.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nauna rito, sakay ang mga biktima ng isang Suzuki Raider na minamaneho ni Pacho at binabaybay ang naturang lugar patungong Angono,nang makasalubong nila ang pampasaherong jeepney na minamaneho ni Quebic, na noon ay patungo naman sa Binangonan proper.

Pagsapit sa naturang lugar, tinangka umano ng jeep na mag-U-turn ngunit dito na nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Dahil sa impact nang banggaan ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at kaagad na isinugod sa pagamutan, ngunit namatay rin si Pacho.