Apektado na ng smog na resulta ng ibinugang sulfur dioxide ng Taal Volcano ang ilang bayan sa Oriental Mindoro.
Kabilang lamang ang Puerto Galera sa mga bayan ng lalawigan na binalot ng makapal na vog o volcanic smog na mapanganib sa kalusugan.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa naturang lalawigan ang vog nang ipadpad ng malakas na hangin kahit pa 175 kilometro ang layo nito sa bulkan.
Nauna nang inihayagng ahensya na nagbuga ng 13,527 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Agosto 12 na ikinaapekto rin ng ilang bayan sa Batangas.
Binalaan pa rin ng Phivolcs ang publiko na huwag lumapit o pumasok sa Taal Volcano Island kung saan ipinaiiralang permanent danger zone dahil na rin sa panganib ng pag-aalburoto nito.