Sino kaya ang pinatatamaan ng love partner ng Unkabogable Star Vice Ganda na si Ion Perez, sa kaniyang ibinahaging video post sa TikTok na may habang 24 seconds na tila isang pasaring?

Kaya naman pumukaw ng atensyon sa mga followers ang naturang video na may caption na “Bulalakaw! Hahaha.

Sabi niya, “Grabe naman 'yan o, halos wala ka na ngang boses wala pa ring lumalabas na matino at maganda sa bibig mo. Uy, 2022 na iilan na lang yung araw sa mundo.”

Sa dulo ng sinabi ni Ion ay natawa na lang ito, na para daw "evil laugh". Usisa ng ilan sino raw ang pinatatamaan ni Ion?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero ang tinutumbok ng mas nakararaming tagasuporta nina Vice at Ion, ang taong pinatutungkulan umano ng huli ay ang beteranang entertainment writer na si Cristy Fermin. Yung iba naman hiling ay pangalanin na raw sana ni Ion.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Cristy Fermin naman paos na’t lahat eh chismis pa rin.”

“Ganyan nga Meme Vice & Ion tawanan n'yo pa yang mga mahilig gumawa ng kuwento.”

"Laki talaga ng inggit nun sa buhay n'yo. Wala kasing nagmamahal. Stay strong sa inyo ni Meme.”

"Hayaan mo na Kuya Ion ang importante masaya kayong dalawa ni Meme Vice.”

“Tama lang 'yan. Kapag sumusobra na yung mga tao masasama gawain dapat lang na i-defend mo rin sarili para hindi apak-apakan.”

Ano kaya ang reaksiyon ni Cristy Fermin kapag napanood niya yung video at ang mga komento ng mga tagahanga nila Vice at Ion?

Hindi kaya sagot ito ni Ion Perez sa recent vlog ni Cristy Fermin kasama sina Morly Alinio at Wendell Alvarez sa “Showbiz Now Na!”?

Naging topic kasi nila sila Vice at Ion. Tinukoy nila ang viral post sa socmed ng mahusay na komedyante na mayroon daw itong pinagdadaanan. Dahilan para magbigay sina Cristy Fermin ng analization at isa na nga rito ay ang tungkol daw sa sitwasyon ng relasyon nila Vice at Ion.