Pipilitin na ng San Miguel Beermen na makuha ang Game 6 ng PBA Philippine Cup semifinals sa Linggo, Agosto 14, laban sa Meralco upang makapasok na sa finals.

Paliwanag ni San Miguel coach Leo Austria, iniiwasan lang nilang mabigo katulad ng nangyari sa kanila noong 2019 PBA Philippine Cup quarterfinals kung saan nasayang ang twice-to-beat advantage nito nang malaglag sila sa kontensyon laban sa Meralco.

"Ilang beses na nila kaming ipinahiya, tinalo nila kami while having the twice-to-beat advantage," ani Austria nang kapanayamin sa telebisyon.

Hawak na ngayon ng Beermen ang 3-2 sa serye at kumpiyansang matatapos nila ang serye sa Linggo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Gayunman, desidido naman ang Bolts na ipuwersa pa sa Game 7 ang serye.