Niyanig ng4.4-magnitude na lindol ang Leyte nitongSabado ng umaga, halos tatlong linggo na ang nakararaan nang tamaan ng malakas na pagyanig ang Abra.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 6:49 ng umaga nang tumama ang pagyanig sa layong 14 kilometro hilagang kanluran ng Merida sa Leyte.
Naramdaman naman ang Intensity 4 sa Ormoc City at Isabel sa Leyte.
Ang pagyanig ay dulot ng tectonic o paggalaw ng fault line sa lugar.
Paliwanag ng Phivolcs, ikinokonsiderang "moderately strong" ang Intensity 4 na nararamdaman katulad ng pagdaan ng isang mabigat na truck.
Naitala naman ang Intensity III saPalompon, Matag-ob, Villaba, at Kananga, Leyte;Intensity II sa Albuera, Capoocan, Carigara, at Tabango, Leyte; atIntensity I sa Calubian, Leyte.
Binanggit pa ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala ng naturang pagyanig.
Matatandaang niyanig ng 7.0-magnitude na lindol ang Abra at iba pang bahagi ng northern Luzon noong Hulyo 27 na ikinasawi ng 10 na residente.