Sa bilangguan ang bagsak ng isang 35 taong gulang na lalaki matapos siyang magnakaw ng limang de-lata sa isang convenience store sa Cebu City.
Ayon sa mga awtoridad, limang mamahaling mga de-lata ang kinuha ng suspek sa loob ng convenience store. Ilang sandali pa, pasimple umano siyang lumabas nang hindi dumaan sa cashier.
Bunsod ng naging kahina-hinalang kilos, nahalata siya ng store manager at hinabol sa labas ng convenience store.
Nasamsam sa kaniya ng store manager ang limang de-lata at saka siya isinuko sa mga awtoridad.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ito na ang ikalimang beses na naaresto ang suspek at nakulong bunsod ng mga kasong may kaugnayan pa rin sa pagnanakaw.