Naglabas ng pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay sa naranasang harassment ng ilang mamamahayag sa kamay ng kapulisan sa gitna ng kilos-protesta.
Sa latest Facebook post ng NUJP nitong Miyerkules, Hulyo 22, binanggit nila bilang halimbawa ang kaso ni Jian Sannz.
Isa siyang environmental activist at contributor sa isang alternative news site na dinakip malapit sa venue ng ASEAN Summit.
Anang NUJP, "Sanz was briefly detained and eventually released after a paralegal team came to her aid.
Bukod dito, binanggit din nila ang panliligalig ng mga pulis sa beteranong photojournalists na sina Bullit Marquez at Rene Dilan habang kinukunan ng larawan ang violent dispersal sa kasagsagan ng kilos-protesta malapit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City nito ring Miyerkules.
Maki-Balita: 2 photojournalists na napagkamalang raliyista, inaresto ng pulisya!
Ayon kay Pasay Police Chief Col. Joselito de Sesto, napagkamalan umano ng kanilang tropa na raliyista ang dalawang photojournalist dahil nakahalo umano ang mga ito sa mga demonstrador.
"Napagkamalang raliyista kasi nakahalo sa karamihan [na] nakikipagtulakan," ani De Sesto sa isang local news outlet.
Gayunman, nanawagan pa rin sa Commission on Human Rights (CHR) ang NUJP para imbestigahan ang insidente.
"We call on the Commission on Human Rights to look into the incidents and take appropriate measures," saad ng grupo.
Matatandaang sumiklab ang kilos-protesta bilang pagpapakita ng pagtutol kontrobersyal na proyektong niluluto ng United States sa Pilipinas na Pax Silica.
Isinabay ito sa pagbisita ni US Secretary of State Marco Rubio para sa ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.
Basahin: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica