Aminado ang Pasay Police na mali sila ng inarestong tao matapos nilang damputin ang dalawang photojournalists sa kasagsagan ng kilos-protesta malapit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2026.
Ayon kay Pasay Police chief Col. Joselito de Sesto, napagkamalan umano ng kanilang tropa na raliyista ang dalawang photojournalists dahil nakahalo umano ang mga ito sa mga demonstrador.
"Napagkamalang raliyista kasi nakahalo sa karamihan [na] nakikipagtulakan," ani De Sesto sa isang local news outlet.
Samantala, napag-alamang isang journalist din ang dinala ng Pasay Police sa kanilang kustodiya matapos siyang natumba at natapakan ng ilang raliyista—kalaunan ay pinalaya rin siya.
Matatandaang nitong Miyerkules sumiklab ang kilos-protesta bilang pagpapakita ng pagkondena sa pagkondena sa kontrobersyal na proyektong niluluto ng United States sa Pilipinas na Pax Silica. Isinabay ang protesta sa pagbisita ni US Secretary of State Marco Rubio para sa ASEAN Foreign Minister’s Meeting.