Wala pang natutukoy na suspek sa pagkamatay ng dalawang Pinoy sa United Arab Emirates (UAE) nitong nakaraang buwan, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes.

"So far, there has been no perpetrator identified. And as I was saying, we would like to work on it discreetly. That's why I'm not even mentioning the names of the relatives," pahayag ni DFAUndersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega sa isinagawang pulong balitaan nitong Agosto 11.

Naiulat na natagpuan ang bangkay ng dalawang lalaking Pinoy sa kanilang apartment sa Dubai nitong Hulyo.

Aniya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng dalawang Pinoy habang binabantayan naman ngPhilippine Consulate General sa Dubai at legal retainer ng bansa ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

"We are promised updates when more findings come out," sabi ni De Vega.

Sinabi pa ni De Vega na nakipag-ugnayan na rin sila saDepartment of Migrant Workers hinggil sa kaso.

PNA