Nagpositibosa coronavirus disease 2019 (Covoid-19) ang katatalaganghepe ngOverseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio.

Sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes, inamin mismo ni Ignacio na apat na araw na siyang naka-quarantine.

"I don't know where I gotit kasieveryday,I'm in the airport welcoming OFWs (overseas Filipino workers)," anito.

Tiniyak din nito na isasapubliko niya ang kanyang plano sa ahensya pagkatapos ng isolation period nito.

Nanawagan din si Ignacio sa mga nakasalamuha nito na bantayan ang kanilang sarili laban sa Covid-19 at magpasuri upang madetermina kung nahawaan sila ng sakit.

Si Ignacio ay dating nagingassistant vice president for community and services department ngPhilippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) bago maitalaga bilang administrator ng OWWA.