Umaapela ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga local government unit (LGU) sa Metro Manila na gumawa ng paraan upang maibalik ang mga countdown timer sa mga traffic light upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.
Sinabi ni LTFRB-National Capital Region director Clarence Guinto, nais din niyang maibalik ang countdown timer sa mga traffic light.
Gayunman, ipinauubaya na nito ang pagpapasya sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at sa mga LGU.
"Dapat may timer 'yung traffic lights, hindi 'yung bigla na lang magre-red o green, dapat may yellow muna para sa safety ng mga motorista. Ngayon may suhestiyon ako sa mga LGU na lagyan na dapat ng mechanism to warn the motorists," anito.