Aabot sa ₱128 milyon ang inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan ang mga naapektuhan ng 7.0-magnitude na lindol sa northern Luzon nitong nakaraang buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na aabot sa ₱128,908.073.54 ang naipamahagi na at napakinabangan ito ng 16,526 na biktima ng pagyanig.

“The bulk of the assistance or over₱57 million was mainly coursed through the Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Distressed Workers or TUPAD,” ani Laguesma.

Ang TUPAD ay cash for work program ng DOLE upang matulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

“The remaining part of the fund went to financing our continuing programs such as skills training, government internship program, livelihood and AKAP,” sabi ng opisyal.

Nilinaw ng ahensya na ang AKAP ay one-time financial aid na ibinibigay sa mgareturning overseas Filipino workers na naapektuhan ng krisis.

Saklaw aniya ng programa angRegion 1 sa Ilocos, Region 2 sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

“Our instruction from the President is very clear and that is to help our countrymen recover from the tragedy. We are sending help to the affected regions as fast as we can,” dagdag pa ni Laguesma.

Matatandaangnapinsala ang malaking bahagi ng Abra na sentro ng malakas na pagyanig nitong Hulyo 27.