TABUK CITY, Kalinga – Binigyan ng tulong ng pulisya ang apat na kabataan na pawang may sakit bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang class anniversary noong Hulyo 9.

Ang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) PANATABAK AT MATAGILA Class 2015-2, na nakatalaga sa Kalinga Provincial Police Office ay nagdiwang ng kanilang ika-pitong taon na anibersaryo sa pamamagitan ng outreach program sa bayan ng Rizal at Tabuk City.

Gamit ang nalikom na pera mula sa kanilang ambagan, ang mga miyembro ng nasabing class ay nakapagbigay tulong sa kanilang apat na benepisyaryo.

Ang kanilang unang benepisyaryo ay isang 10 taong gulang na bata na residente ng Barangay Gobgob, Tabuk City, Kalinga.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Na-diagnose ang bata na mayroong Cerebral Palsy, na niregaluhan ng isang wheelchair at mga sari-saring grocery items mula sa nasabing class.

Ang kanilang ikalawang benepisyaryo ay isang 16 years old na residente ng Barangay Santor, Rizal, Kalinga.

Na-diagnoseito na mayroong Congenital Heart Disease, kaya't nahandugan ito ng pang-maintenance na gamot na tatagal sa loob ng anim na buwan.

Bukod dito, niregaluhan din siya ng isang karton na may lamang sari-saring grocery items.

Ang dalawang magkapatid na residente ng Barangay Gobgob ang kanilang pangatlo at pang-apat na benepisyaryo.

Dahil sa may pangangailangang medikal, nagbigay ng cash assistance at sari-saring grocery items at prutas ang mga pulis para sa magkapatid.