Bumisita sa senado para sa isang courtesy call si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol ayon na rin umano sa imbitasyon ni Senador Raffy Tulfo.

"Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo. Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado," ani Hipon Girl sa kaniyang Facebook post, Martes, Agosto 9.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ibinahagi ni Herlene ang mga litrato nila ng mga senador na sina Senador Robin Padilla, Senador Bong Go, Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, Senadora Pia cayetano, at ang nag-imbita sa kaniyang si Senador Raffy Tulfo.

“Si Herlene ay nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa para magpatuloy sa pagsusumikap at pag-abot ng mga pangarap,” ani Tulfo.

“With the beautiful Binibining Pilipinas 1st Runner Up Herlene Hipon Budol, who paid a courtesy call at the Senate today,” ayon naman kay Cayetano na nag-fan girling sa kandidata/Kapuso artist.

Kasama ni Herlene Budol ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino.