Pinagpiyestahan ng netizens ang outdated na itsura ng Bureau of Internal Revenue (BIR) website matapos tila magtakda ng standard ang isang viral satirical university.

Kilala ngayon online ang International State College of the Philippines (ICSP), isang online community na gumagamit ng satire approach para ihatid ang ilang viral memes at contents bilang mga pangunahing programa ng sana’y academic institution.

May sarili itong online pages na pinatatakbo ng tila grupo ng social media experts dahilan para mag-viral ang contents nito at tumabo na ng mahigit 600,000 ang followers nito sa Facebook pa lang.

Bagaman katuwaan, una nang napansin ng netizens ang organisadong online presentation nito kung saan aakalaing isa itong legit na institusyon.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Basahin: Kim Atienza, nabiktimang satire page? ‘This is a scam’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kagaya rin ng ilang institusyon, ikinamangha ng netizens ang “high-end-looking” na website nito na aakalaing lehitimo sa unang tingin.

Screengrab mula sa website ng satirical International State College of the Philippines

Sa website ng ISCP, makikita ang mga satirical courses na inaalok nito, faculty and staff, mission and vision, hymn at bukod sa iba pa.

May COVID-19 at vaccine tracker din ang website na naglalahaman ng lehitimong datos mula sa Department of Health (DOH).

Hindi napigilan ng isang netizen na ikumpara ang website ng satirical university sa website ng isang government agency, ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Screengrab mula sa website ng Bureau of Internal Revenue

“Mas mukha pang satire webisite ‘yung BIR,” mababasa sa pagkukumpara ng isang netizen sa dalawang website.

Inulan naman ng kritismo ang BIR sa anang netizens na “outdated” na imahe nito.

“Binubulsa siguro ang budget imbis na i-invest sa mga mas malalakas at mas batang dev [developer’ at designer. Kaya titiis sila sa mga napaglipasan na ng panahon na nag i-stay na lang for the sake of having a job kahit wala nang passion sa ginagawa,” teyorya ng isang netizen na dahilan ng napag-iwanang nang web design.

“Masasabi kong magaling ung web dev/designer nyan ang kaso lang tlga ay ung baba ng rate na sahod nila kaya pang budget meal lang din ung design😂kaya ang siste napag iiwanan talaga gov't site.”

“With all the budget na dumaan sa office nila, they intend not to focus and pay the webdev folx higher to enhance and update their website. Their fault.”

“Mukhang hindi na ata naghahire ang government agencies ng mga modern web developer ngayon parang nagstick nlng sila sa dating UI tapos tamang maintain nlng ng back-end kaso bulok padin UX nila andaming bugs... Idagdag pa yung security nilang andamingloopholes simpleng cyber attack nahahack agad website nila kagaya nung wayback 2016 ung tinaguriang "COMELEAK" eh base sa culprit nun basic injection lng ginawa niya pero napasok parin niya ung admin ng Comelec!”

Hindi rin nakaligtas sa mga netizen at inihain din sa comment section ang parehong isyu ng ilan pang government website kagaya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), bukod sa iba pa.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 21,000 reactions ang Facebook post at naibagi na ng nasa 19,000 beses.