Magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Agosto 9.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, babawasan nila ng ₱2.10 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina, ₱2.20 naman sa diesel at ₱2.55 sa kerosene.
Magpapatupad din ng kaparehong bawas presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.
Ipatutupad ang price adjustment sa Martes dakong 6:00 ng umaga, maliban lamang sa Cleanfuel na magtatapyas ng presyo dakong 8:01 ng umaga.
Inaasahang maglalabas ng abiso ang iba pang kumpanya ng langis para sa kanilang price rollback.
Nauna nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na umabot na sa ₱19.65 ang kabuuang itinaas sa presyo ng gasolina ngayong taon, ₱32.35 sa diesel at ₱27.30 naman sa kerosene dahil na rin sa paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado na resulta ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.