Naging maganda ang resulta ng kampanya ng mga atletang Pilipino matapos maka-puwesto ang bilang pang-lima sa katatapos lamang na 11th ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia.
Nagtapos ang laban ng mga atletang Pilipino at nakahakot ng 28 gold, 28 silver at 47 bronze medals, na nalampasan ang kanilang pinakamahusay na output sa Palaro noong 2009 Kuala Lumpur (24-24-26) at higit pa sa kanilang 2017 stint (20-20-29) gayundin sa ng Malaysia.
"Congratulations to our 144 para athletes, 38 coaches, team delegation officials and medical staff. Sama-sama nating ipagmalaki ang #GalingngAtletangPilipino!" Pagbati ng Philippine Sports Commission (PSC).
Napanatili ng Pilipinas ang kanilang No. 5 ranking sa pagsasara ng 11-nation showcase para sa mga para athletes kung saan mayorya ng 144-athlete contingent ang lumahok sa unang pagkakataon sa level na ito mula noong 2017.
"The entire nation has been celebrating the success of our para athletes. It only shows that Filipino athletes areready to hurdle any challenge, especially when the honor of the country is at stake," ani PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo.
Matatandaan na dalawang beses na ipinagpaliban ang APG — 2020 Philippines at 2021 Vietnam — dulot ng Covid-19 pandemic.
Nakatakda ang 12th Asean Para Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Hunyo 3 hanggang 9, 2023.