Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng₱18 bilyong quick response funds upang maipatayong muli ang kanilang mga pasilidad na napinsala ng mga nagdaang kalamidad sa bansa.

Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa nitong Miyerkules na sa ngayon ay mayroon naman silang₱2 bilyong pondo para sa quick response ngunit hindi ito sapat kaya’t humihingi pa sila kay Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM), ng karagdagan pang₱16bilyon.

“We have funds for quick response pero di po siya kasya. We're only given₱2 billion a year, it's not enough,” aniya pa, sa panayam sa isang news channel.

“Right now we've asked the President through the DBM for additional funding of P16 billion to augment funds for quick intervention for areas affected by Odette, Agaton, and even earthquake-affected areas,” aniya pa.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ayon kay Poa, plano rin nilang bumili ng mga temporary learning spaces para sa mga paaralang napinsala ng mga bagyong Agaton at Odette, gayundin ng magnitude 7.0 na lindol sa Northern Luzon.

Ang mga naturang temporary learning spaces aniya ay mga tents na gawa sa light materials at maaaring magamit ng mga bata sa pasukan.

Maaari aniyang alisin ang mga ito sa sandaling matapos na ang konstruksiyon ng mga permanenteng pasilidad.  

Ang School Year 2022-2023 ay itinakda ng DepEd sa Agosto 22, 2022 hanggang Hulyo 7, 2023.

Ang limang araw na face-to-face classes naman sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay nakatakdang simulan sa Nobyembre 2.