Sumabay sa pag-trending ng "Maid in Malacañang" ni Direk Darryl Yap at "Katips" ni Direk Vince Tañada sa Twitter ang pangalan ni King of Talk Boy Abunda, matapos lumabas ang teaser ng kaniyang panayam sa direktor ng MiM at VinCentiments.

Ibinahagi sa kaniyang YouTube channel na "The Interview" ang teaser ng panayam, na mapapanood naman nang buo sa Huwebes, Agosto 4. Habang isinusulat ito ay may 103,323 views na ang naturang teaser.

Boy Abuda at Darryl Yap (Screengrab mula sa FB/VinCentiments)

Karina Bautista, PH navy reservist na

Inaasahang sasagutin isa-isa ni Yap ang mga kontrobersyal na isyu at akusasyon laban sa kaniya kagaya ng pagiging "pedophile", "fake news peddler", at iba pa.

"As a person, saan ka nasasaktan? At saan ka napipikon?" pabiting tanong ni Abunda.

At pag-uusapan din sa panayam ang pagkakabuo ng MiM.

Agad na nag-trending ang pangalan ni Boy Abunda at umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"I appreciate Tito Boy for interviewing everyone regardless of their color in politics. So brave tito Boy. We love you."

"I have lost all my respect for Boy Abunda."

"Excited to watch this interview!"

"Nakakadiri ka, Boy Abunda. From one of the celebrated icons of the community, to one of the biggest enablers of the forsaken family. King of talk ka nga. Puro ka na lang talak."

"Nakupo! Very interesting ito… Paki-ready na paracetamol sa mga sasakit ang ulo at sobrang bitter sa Aug 4… Good job interview sir Boy and kudos to you direk Daryll! Maraming nakaabang na manood nito!"

"Yuck, Boy Abunda really giving platform to historical revisionism. lol."

Bago ang panayam na ito ay nauna nang nakapanayam ni Boy si Senadora Imee Marcos noong Hulyo 29. May 589,314 views na ito ngayon.

Bukod kay Boy, lumilitaw rin sa trending list ang pangalan ni Queen of All Media Kris Aquino. Kung wala raw sanang sakit si Krissy, malamang nakikipagbardagulan na ito ngayon sa mga nangyayari.

Screengrab mula sa Twitter

Marami ngayon ang nagtatanong kung kumusta na nga ba ang relasyon ng pagkakaibigan nina Boy at Kris?