Sa isang anunsyo ng Commission on Elections (Comelec) Martes, pansamantalang sinuspinde ang pag-iisyu ng voter’s certification sa Comelec-National Central File Division (NCFD) sa Intramuros sa Maynila.

Epektibo ang suspensyon, kabilang ang iba pang frontlines services, mula Lunes, Agosto 1 hanggang sa maglabas ng panibagong abiso ang komisyon.

“In the meantime, the public is advised to process their requests instead with the Office of the Election Officer in their respective district/city/municipality,” dagdag ng Comelec.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

Inaasahan namang babalik sa normal ang operasyon sa mga tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa oras na makabalik ang mga kawani sa kani-kanilang opisina kasunod ng naganap na sunog noong Hulyo 31, Linggo.