Itinalaga na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang dating abogado nitong si George Garcia bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay nang isapubliko ni Garcia ang kanyang appointment letter na may petsang Hulyo 22 at pirmado nitong Agosto 1.

Si Garcia ay naging abogado ni Marcos sa inihaing election protest laban kay dating Vice President Leni Robredo noong 2016.

Itinalaga rini siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang commissioner ng Comelec noong Pebrero. Gayunman, na-bypass ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon nito sa puwesto.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Matatandaang nag-inhibit si Garcia sa paghawak ng disqualification cases na isinampa sa Comelec laban kay Marcos upang hindi magkaroon ng "conflict of interest."

"Para sa akinnaman that’spart of lawyering... But I will beinhibitingfrom all the cases that I handled," pahabol pa ni Garcia.