Trending topic sa Twitter ang kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night na isang benefit event na dinaluhan ng mga Kapuso executives at stars, na ginanap sa Shangri-La, The Fort, Taguig nitong Sabado ng gabi, Hulyo 30.

Ilan sa biggest Kapuso stars na dumalo rito ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sanya Lopez, Heart Evangelista kasama ang mister na si Senador Chiz Escudero, Solenn Heussaff, Gabbi Garcia kasama ang partner na si Khalil Ramos, Rhian Ramos, Max Collins, Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza, Bianca Umali, Kylie Padilla, Jillian Ward, Rita Daniela, Alden Richards, at marami pang iba.

Agaw-eksena rin ang mga beauty queens na sina Bea Gomez at Celeste Cortesi.

Dumating din ang Crown Artist Management stars sa pangunguna nina Maja Salvador at fiance na si Rambo Nunez. Present din sina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ito rin ang unang beses na dumalo sa Kapuso event si dating Kapamilya star Bea Alonzo, kasama ang boyfriend na si Dominic Roque.

Naispatan din ang pagdating ng nagbabalik-Kapusong si Billy Crawford kasama ang misis na si Coleen Garcia.

Palaisipan din ang pagdalo ng dating Kapamilya actress at Viva artist na si Cristine Reyes, na mukhang magbabalik-Kapuso na rin.