Engaged na ang celebrity couple na si Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Taong 2018 nang unang maging usap-usapan noon ang lihim na relasyon ng Kapuso Phenomenal Star sa award-winning Kapamilya actor.

Dahil sa matagumpay na tambalan ni Maine at ng Kapuso actor at kapwa Eat Bulaga host na si Alden Richards sa noo'y patok na Kalyeserye, hindi naging madali para sa showbiz couple na sagutin ang publiko ukol sa tunay na score ng kanilang relasyon.

Hanggang Enero 2019, matapang na inamin ni Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagaman, Marso nang aminin ni Maine ang pagsisiwalat ni Arjo, buong tapang din na ipinaglaban ng Kapuso star ang pag-ibig para sa aktor.

"He always goes out of his way to make me extra happy and actually puts in effort in everything he does...I appreciate everything he does for me and I am happy that I get to experience such wonderful things," mababasa sa isang blog ni Maine na naging daan ng kaniyang pagiging bukas na sa wakas sa relasyon nila ng aktor.

Noong Disyembre 2019, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

Matapos ang halos tatlong taon, mukhang mauuwi na sa kasalan ang matapang na power couple ng Philippine showbiz.