Naharang ng mga awtoridad ang mahigit sa₱400 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isang gasolinahan sa North Luzon Expressway sa San Fernando, Pampanga nitong Huwebes ng hapon na ikinaaresto ng isang pinaghihinalaang drug trafficker.

Hawak na ng pulisya ang suspek na si Hernani Cosumo, 31, ayon kay Philippine National Police acting chief Lt. Gen. Vicente Danao, Jr..

Naaresto si Cosumonang bentahan nito ng iligal na droga ang isang police poseur buyer na miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group sa isang gasoline station sa Brgy. San Felipe, San Fernando, dakong 2:00 ng hapon.

Kumpiskado sa suspek ang mahigit sa 60 kilo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng₱480 milyon, isangcellular phone, isang van, assorted identification (ID) cards at marked money.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Cosumo.

Aaron Recuenco