Tumaas pa sa 14.8% ang nweekly positivity rate ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary, assistant spokesperson Beverly Ho sa isang pulong balitaan nitong Huwebes.
Aniya, mula sa dating 12.5% lamang ay naging 14.8% na ang positivity rate ng bansa ngayong linggong ito.“Tumaas din ang positivity rates natin from 12.5 percent to 14.8 percent this week katulad po ng rate natin noong February,” anito.
Ito aniya ay halostriple na sa 5% na tamang threshold para sa positivity rate na itinatakda ng World Health Organization (WHO) para sa Covid-19.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Ho na nananatili pa rin sa low-risk classification ang Covid-19 sa Pilipinas.
Bagamat mayroon aniyang pitong rehiyon na nakapagtala ng ADAR na mula 1.45 hanggang 3.96 cases per 100,000 population, lahat rin aniya ng rehiyon ay nananatili pa rin sa low-risk classification sa kabilangpatuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Tiniyak din ni Ho na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay hindi nangangahulugan nang pagdami ng COVID-19 admissions.
Paliwanag pa ng opisyal, ang bilang ng mga severe at critical cases ay patuloy na mas mababa sa 1,000 at nasa 734 lamang ngayon.