Isa ang naiulat na namatay matapos tumama ang malakas na lindol sa Abra at iba pang bahagi n Luzon nitong Miyerkules, ayon sa pahayag ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Binanggit ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isa umanong construction worker sa La Trinidad, Benguet ang nabagsakan ng guho na dulot ng pagkamatay nito.

Gayunman, sinabi ni Timbal na dino-doble check pa ng pamahalaang lokal ang naturang impormasyon.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa kanilang local counterpart sa Region 1, 2,Cordillera Administrative Region (CAR), Region 3 at7 sa Metro Manila upang madetermina ang lawak ng pinsala ng pagyanig

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Assessment continues as of now but some areas have sustained damages to public and private structures," banggit ni Timbal.

Tiniyak din ng opisyal na mayroon na silang nakahandang relief goods upang masuportahanang mga hakbang ng mga local government unit.

Nitong Hulyo 27 ng umaga, tumama ang 7.3-magnitude na lindol sa Lagangilang, Abra na ikinasira ng ilang gusali at bahay at simbahan.