Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang₱10 milyong ayuda para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Abra nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni DSWD-Cordillera director Arnel Garcia matapos kapanayamin sa telebisyon nitong Hulyo 27 at sinabing hinihintay na lamang nito ang go-signal ni DSWD Secretary Erwin Tulfo upang mai-release ang pondo.

Tatanggap aniya ng tig-₱10,000 ang mga residenteng nasira ang bahay at₱5,000 naman ang iaayuda sa mga residenteng bahagyang napinsala ang bahay.

Naka-standby na rin ang mahigit sa 4,000 food packs para sa mga naapektuhang residente sa Abra.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Ready kami anytime kung kinakailangan ay marami tayong food packs. On the way na rin ang mga food packs na reinforcement, papunta na ng Abra at handa pa kami kung kinakailangan," anang opisyal.

Nangako rin si Tulfo na sasagutin ng ahensya ang gastusin sa ospital at pagpapalibing sa mga biktima ng lindol.

Ilang oras matapos ang pagyanig, bumisita si Tulfo sa lalawigan upang makita ang pangangailangan ng mga residente.

"Lahat po ng mga sugatan natin, sasagutin ng DSWD, so they have nothing to worry about," sabi ng opisyal.

Mahigit aniya sa 70 bahay ang nawasak, bukod pa ang 20 na gusali ng gobyerno at tatlong tulay sa lalawigan.

Sa kabuuan aniya, 27 bayan sa probinsya ang apektado ng lindol.

Nitong Hulyo 27 ng umaga, nag-panic ang mga residente sa lalawigan nang yanigin ito ng 6.8-magnitude na naramdaman din sa iba pang lugar sa Luzon.