Babiyahe sa Dubai ang Kapamilya rock star na si Bamboo Mañalac para sa isang enggrandeng music festival sa Agosto.

Sa kaniyang Instagram update, Lunes, Hulyo 25, inanunsyo ng singer na isa siya sa mga performers sa Beat The Heat Music Festival sa Dubai World Trade Center.

Kasama ang Pinay artist na si Barbie Almalbis, magtatanghal si Bamboo sa darating na Agosto 13.

Politics

'Ang layo!' SP Allan, sinagot kung handa rin niyang protektahan si Sen. Jinggoy tulad kay Sen. Bato

Maaaring makakuha ng tiket via www.platinumlist.net.