Magpapatupad na ng₱1.00 na paunang impok ang Land Bank of the Philippines.

Sisimulan na ng nasabing government financial institution (GFI) ang "Perang Inimpok Savings Option o PISO account sa tinatawag na mga underserved Filipinos.

Kabilang sa saklaw ng programa ang mga estudyante, vendor, kasambahay, magsasaka, mangingisda at iba pa.

Gayunman, itinakda ng bangko ang maximum deposit na hanggang₱50,000.

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

“The LandBank PISO is another testament of our commitment to advance the National Government’s financial inclusion agenda. We continue to develop accessible and convenient banking products relevant to the diverse needs of our customers, including the unbanked and underserved,” pagdidiin ni LandBank president, CEO Cecilia Borromeo nang kapanayamin sa telebisyon.

Upang makapagbukas ng account, kinakailangang lamang magsumite ng isang valid identification card o barangay certification, clearance o ID para sa isasagawang verification sa depositor.