Pinatawan ng Sandiganbayan na makulong ng walong taon si dating San Sebastian, Samar Mayor Arnold Abalos kaugnay ng pagkakasibak nito sa isa niyang opisyal noong 2012.

Ito ay nang mapatunayan ng anti-graft court na nagkasala si Abalos sa kasong paglabag sa Anti-Graft And Corrupt Practices Act (Republic Act 3019).

Bukod sa pagkakapiit, habambuhay na ring hindi makapagtrabaho sa gobyerno ng dating alkalde.

Nag-ugat ang kaso nang tanggalin ni Abalos sa puwesto si Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) Roberto Rebosura noong Marso 2012 kasunod na rin ng paghahain ng reklamo ng huli at ng ilang pang opisyal ng munisipyo dahil sa hindi pag-re-remit ng kanilang GSIS contributions.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nagpalabas na rin ng memorandum si Abalos na nagtatalaga kay Municipal Social Welfare and Development Officer Alma Llanitas bilang kapalit ni Rebosura sa MPDC.

Umalma si Rebosura sa naging hakbang ni Abalos laban sa kanya at sinabing nagkaroon ng diskriminasyon dahil sa lahat ng nagreklamo laban sa alkalde ay siya lamang ang inalis sa puwesto.

Hindi rin aniya inaksyunan ni Abalos ang naiharap na motion for reconsideration ni Rebosura na humihiling na maibasura sana ang memorandum nito na nagtatanggal sa kanya sa puwesto.

Depensa ni Abalos, hindi nakadalo si Rebosura sa isang pagpupulong kaya hindi tinalakay anng usapin.

“Lamentably, it was not enough, as the said meeting never resulted in the resolution of the said motion — it was neither granted nor denied, or otherwise properly disposed of. The presence of the element of neglect or refusal to act without sufficient justification, therefore, cannot be denied," pahayag ng korte.

“The issue of Rebosura’s replacement or the uncertainty in its resolution persisted for over a year, until the eventual termination of his employment. Aal of the foregoing demonstrates an intention to discriminate or prejudice against the private complainant,” dagdag pa ng anti-graft court.