Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes na umaabot sa 14,640 ang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) na naitala sa bansa ngayong linggong ito o mula Hulyo 11 hanggang 17, na katumbas na 2,091 na average na bagong kaso kada araw.

Sa weekly National Covid-19 case bulletin ng DOH, ang naturang bilang ay mas mataas ng 44% kumpara sa mga kasong naitala mula Hulyo 4 hanggang 10.

Anang DOH, sa mga bagong kaso, 35 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Mayroon namang naitalang isang namatay dahil sa sakit, gayunman, ito ay naganap noon pang Oktubre 2021.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

“Noong ika-17 ng Hulyo 2022, mayroong 589 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa Covid-19. Sa 2,630 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 481 (18.3%) ang okupado. Samantala, 23.8% naman ng 21,809 non-ICU Covid-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit,” ayon sa DOH.

Naiulat din ng DOH na sa ngayon ay mahigit na sa 71 milyong indibidwal o 91.32% ng target na populasyon (alinsunod sa ika-169 na pulong ng IATF-EID) ang bakunado na laban sa sakit.