Guest sa vlog ni actress-public servant Aiko Melendez nitong Hulyo 15, 2022 ang tarot card reader na si Jovi Vargas, na isa sa mga humulang mananalo sa pagkapangulo si President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Isa sa mga naungkat nila ang kasalukuyang kalagayang pangkalusugan ni Queen of All Media Kris Aquino. Natanong ni Aiko kung totoo ba ang mga kumakalat na tsikang nakulam ito.

Ayon kay Vargas, hindi raw nakulam si Krissy. Iginiit ng manghuhula na dapat nang humanap ng lunas sa sakit ni Kris dahil bumibigay na ang katawan nito.

“Sakit naman talaga, hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na yung katawan niya,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Makatutulong umano ang pagdarasal, lalo na ng mga kaibigan ni Kris, upang mapagtagumpayan nito ang laban hinggil sa sakit.

“Lahat ng nagmamahal sa kaibigan naming si Kris, eh, magdasal, malaking tulong ang dasal talaga saka kailangan niya talagang huwag magpa-stress, ‘yan ang pinakaimportante."

Sana rin daw, iwasan muna ni Kris ang pagsagot sa mga isyu at intriga at magpagaling muna siya, lalo na aspetong politikal. Kasabay nga ng inagurasyon ni PBBM noong Hunyo 30 ay nagpakawala si Kris ng kaniyang health update sa Instagram. Nalaman ng madlang pipol na nagpositibo sila ng mga anak niyang sina Joshua at Bimby sa Covid-19.

Sa kasalukuyan ay nasa Houston, Texas, USA ang Queen of All Media at nagpapagaling.