Iminumungkahi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na mailipat na sa Occidental Mindoro ang kontrobersyal na National Bilibid Prisons (NBP).

"Kung pwede, ilipat ang maximum security sa malayong lugar para hindi na sila nakakapinsala rito. We don't want them mixing with the population," sabi nito sa isang panayam sa telebisyon.

"Nung isang araw lang, may nahulihan ng shabu sa Bilibid. 'Yan ay isang senyales lang na may problema tayo. Kung ang negosyo ay nakakapasok sa kulungan, pa'no pa ang security natin as a people," aniya.

Binisita na aniya nito angSablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro na kayang pagkulungan ng aabot sa 10,000maximum security prisoners na kasalukuyang nasa NBP.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gayunman, aminado si Remulla na matatagalan pa ito bago maisakatuparan dahil na rin sa problema sa budget.

"Muntinlupa should no longer be the jail that it used to be," dagdag pa ng opisyal.

Sinabi nito na nais sana niyang maisagawa ito sa unang 100 araw nito sa puwesto bilang pinuno ng DOJ.