Nagtaas na rin ng presyo ng bigas ang ilang palengke sa Metro Manila dahil na rin sa paggalaw ng farmgate price nito.

Paliwanag ng mga negosyante, aabot sa₱3.00 ang ipinatong nila sa bawat kilo ng bigas kasunod na rin ng₱30 na na dagdag-presyong ipinaiiral ng mga biyahero.

Sa ilang pamilihan sa National Capital Region (NCR), mula₱30 hanggang₱40 ang per kilo ng regular-milled na bigas,₱42 naman sa well milled habang aabot naman sa₱46 hanggang₱50 sa premium o special na bigas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 20,000 metriko tonelada ang produksyon ng bigas noong Enero hanggang Marso ngayong taon kumpara noong 2021.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Binanggit na ito ang dahilan ng gobyerno sa planong pag-aangkat ng daan-daang libong tonelada ng bigas ngayong taon.

Matatandaang dumadaing na ang mga magsasaka sa Central Luzon dahil halos wala na umano silang kinikita bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo produktong petrolyo at malaking gastos sa pagtatanim