Inamin ng actress-singer na si Alexa Miro na super close sila ng presidential son na at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

Sa isang" data-type="URL" data-id=""> interview ni Alexa sa mamamahayag na si Mj Marfori ng TV5, itinanong sa kaniya kung "strict" ba si Sandro sa tuwing may sexy production number siya. 

"As a friend?" natatawang tanong ni Alexa. "As a friend, hindi naman."

"Very supportive plus he also shares tips with how I should go about my career pathing," sagot ng dalaga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Parang nagbibigay lang din siya ng advice na, ‘Should you go down this path? Maybe you should limit this. Or maybe you can excel more in this area'," dagdag pa niya.

Mukahng aware naman ang dalaga na may mga paparazzi na nakapaligid sa kanila. Kaya't sinabi niya sa kaniyang interview na super close sila ng presidential son.

"Super close kasi kami talaga," sey ni Alexa. "Matagal na [kaming friends] actually almost 5 years na now."

Ispluk pa niya na mas naging close sila ni Sandro noong August 2021.

Nameet na rin daw niya ang mga magulang nito na sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos at maging ang buong pamilya nito.

Matatandaan na nalilink si Alexa kay Sandro dahil palagi umano silang nakikitang magkasama. May mga kumakalat din umanong mga larawan nilang dalawa sa social media.

Samantala, tinawag na "starlet" ni Lolit Solis si Alexa noon. "Talagang nagkaroon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali-link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud. Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata.”

"Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika. Wala naman masama na ma-link siya kay Alexa dahil pareho naman silang single. Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon.”

“Single at puwede mag-mingle lahit kanino si Cong. Sandro at tiyak na marami pa ang mali-link sa kaniya dahil prize catch siya na isang certified bachelor. Maraming babae na gugustuhin ma-link sa kaniya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaroon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah. Huwag lang kay Gorgy at Salve ma-link si Cong. Sandro, ok lang, no problem. Binatang-binata at pogi, shy not,” ani Lolit.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/20/lani-nadulas-tungkol-sa-jowa-ni-sandro-isang-starlet-daw-sey-ni-lolit/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/20/lani-nadulas-tungkol-sa-jowa-ni-sandro-isang-starlet-daw-sey-ni-lolit/