Naglabas ng saloobin ang Kapuso comedienne na si Pokwang hinggil sa hiwalayan ng afam niyang partner na si Lee O’Brian. Samu't sari na rin kasi ang mga chikang lumalabas tungkol sa kanilang dalawa.

Sa panayam sa kaniya ng Chika Minute ng "24 Oras" umiiyak na sinagot ni Pokwang ang katanungang bakit inabot ng 7 buwan at ngayon lang inilabas nito ang tungkol sa hiwalayan.

Ani Pokwang, "Kasi ako yung taong lahat tinitiis ko hangga't kaya ko, ako lang. Hanggang kaya kong itago sa mga anak ko. Hanggang kaya kong huwag iiyak sa harap nila."

"Lahat ng burden gusto ko ako lang. Parang nahihiya akong mandamay sa pamilya ko. Naisip ko ngayon kaya nga ang pamilya dapat damayan."

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Paglilinaw ni Pokwang walang naganap na third party sa kanilang hiwalayan ni Lee O’Brian na kadalasang nagiging problema ng mag-asawa o mag-partner. Giit niya, hindi rin tungkol sa pera kagaya raw ng lumalabas sa mga balita. Ang tanging naging dahilan niya ay napagod sa relasyon.

Ipinagtanggol naman ni Pokwang ang kaniyang dating kapareha mula sa paghuhusga ng mga tao. Aniya, mabuting tao raw si Lee O’Brian at mabuting ama. Masakit para kay Pokwang ang mga nababasa niyang palamunin daw ito. Masipag naman daw ito.

Bagama't nawakasan na ang relasyon nila, full support naman sila sa anak nilang si Malia O’Brian. Sa kaniyang pinagdadaanan, malaking tulong na busy si Pokwang sa mga sunod-sunod na projects na binibigay sa kaniya ng GMA-7, simula nang umober da bakod siya.