Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal laban sa dating alkalde ng Cebu City na si Tomas Osmeña hinggil sa pag-uwi nito ng kagamitan ng dati niyang opisina noong 2019.

Sa isang resolusyon ng Ombudsman na isinapubliko nitong Lunes, Hulyo 11, ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng "probable cause."

Nag-ugat ang reklamonangtangayin umano ni Osmeña ang ari-arian ng pamahalaan na nasa mayor's office.

Bukod kay Osmeña, kabilang din sa kinasuhan ng graft, theft at malicious mischief ang mga executive assistants nito, department heads, at security guards.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nilinaw ng anti-graft agency, sinunod ni Osmeña ang naaayon na pamamaraan sa pagpapaayos ng opisina na nasa ikawalong palapag ng Cebu City Hall noong 2016 bago pa magsimula sa kanyang termino.

Natuklasan din na ginastos ng dating alkalde ang kanyang personal na pondo para sa rehabilitasyon ng tanggapan nito matapos ibasura ng konseho ng lungsod ang hiniling niyang ₱2 milyong budget.

“There is insufficient evidence showing that public respondents acted with manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence,” ayon sa desisyon ng Ombudsman.

Noong 2019, binatikos ni incoming Cebu City Mayor Edgardo Labella si Osmeña matapos umanong tangayin ang mga tiles, mesa, kisame at dividers ng opisina.