Masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Jolina Magdangal ang natupad niyang childhood dream kasama ang pamilya.

Sa kaniyang Instagram update, Lunes, ilang serye ng larawan ang makikita sa naging exciting na camping ng pamilya ni Jolina kasama syempre ang dalawang chikiting na sina Pele at Vika.

Pagkukwento ng Magandang Buhay host, childhood dream niya ang makaranas ng camping.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

“I never thought na dadating yung time na magagawa ko ito but yes, nagawa ko na! Thank you sa asawa ko for making it happen,” pagpapasalamat ni Jolina sa asawang si Mark Escueta.

Dagdag niya, “mas sumaya ako kasi nakita ko na nag-enjoy sina Pele at Vika. May nadagdag na ulit sa kanilang collection of happy memories.

Kasama rin ng pamilya ni Jolina ang pamilya ng kumara at kapwa celebrity mom na si Nikki Valdez.