Inalala ng singer na si Zsa Zsa Padilla ang ikasampung taong death anniversary ni Comedy King “Dolphy” sa pagbisita nito sa kaniyang puntod, Linggo, Hulyo 10.

“Seems like only yesterday when we lost you, but the joy you’ve given will be in our hearts forever. Dolphy, you are greatly missed. Thank you. 🙏🏼 Please say a prayer for Dolphy’s 10th year death anniversary,” mababasa sa Instagram post ni Zsa Zsa, Linggo.

Taong 2012 pumanaw ang isa sa pillars ng Philippine showbiz matapos ang limang taong pakikipaglaban nito sa sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City nakalagak ang puntod ni Dolphy.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ilang kaibigan sa showbiz ang nag-alay ng munting dasal para sa yumaong entertainment icon sa parehong Instagram post ni Zsa Zsa.