Tila may pa-blind item ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sa dulong bahagi ng video na inilabas ng VinCentiments nitong Linggo, kung saan makikitang nag-uusap sina Senador Imee Marcos at Ella Cruz.

Sa dulong bahagi ng video, tinawag ng direktor si Ella at may itinanong siya rito na tila isang blind item.

"Ella. Artistang naghahanap ng mapapangasawang foreigner para maka-ahon. Ang ending siya ang bumuhay sa foreigner," sey ni Darryl.

"Gago ka. Huy ayoko! Ayaw!" natatawang sabi ni Ella. Sinagot naman ito ng aktres ngunit ito ay censored.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Samantala, hindi magkandaugaga ang mga netizens kung sino nga ba itong artista na binanggit ng direktor. 

Ngunit sa comment section, makikita na binabanggit ng ilang mga netizen ang pangalan ng Kapuso actress na si Pokwang-- na ngayo'y hiwalay na sa kaniyang live-in partner na si American actor Lee O’Brian.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/pokwang-tinusta-ang-basher-na-nagsabing-karma-niya-ang-hiwalayan-nila-ni-lee-obrian/

"Ugot pokwang"

"Kay pokwang ka magpaliwanag isama mo na din IODIN without E"

"Yong blind item sa huli parang hindi naman blind"

""Artistang humanap ng afam para makaahon sa hirap, ang ending sya ang bumuhay sa afam" si Pokwang ba itu??"

"si pokwang yun GAHAHAHAAH"

"ay Yung last hindi ko sinasabing si pokwang Yun pero parang sya char"

"That last part was so.... Galing mo direk back to iodin without e"

"Narinig k c pokwang"

"Kamusta Ka#Pokwang?"

"Bet ko yung last part!Bwahaha, bukas may bwelta si MS.IODIN"