ISABELA - Dead on the spot ang isang architect at sugatan naman ang tatlong kasamahan nang sumalpok ang minamanehong pick-up sa isang truck saCordon nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang driver na si Lloyd Andrew Erfe, taga-Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Isinugod naman sa Santiago Medical Center ang tatlong nasugatan na sina Rocky Batongbakal at Brenzon Jann Salvador Perocho, kapwa taga-Jones, Isabela, atChristopher Cristobal, taga-Reina Mercedes,Isabela.

Sa paunang imbestigasyon ng Cordon Municipal Police, ang insidente ay naganap sa pakurbang national highway sa Brgy.Caquilingan, dakong 3:00 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng 10-wheeler truck (CAE-7977) na si Daniel Serrano, 59, taga-Bulihan, Rosario, Batangas.

Mabilis umano ang takbo ng pick-up truck at kinain pa kabilang bahagi ng kalsada kaya sumalpok sa kasalubong na truck.

Nahaharap ngayon sa kasongReckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Physical Injuries and Damage to property si Serrano.