Apat na miyembro ngCommunist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang napatay matapos makasagupa ang mga sundalo sa isang liblib na lugar saBinalbagan, Negros Occidental nitong Miyerkules ng umaga.

Sa pahayag ni Philippine Army (PA)-94th Infantry Battalion (94IB) commander Lt. Col. Van Donald Almonte, kinikilala pa nila ang apat na napatay na rebelde na pawang kaanib ngCentral Negros 2, Komiteng Rehiyong-Negros Cebu Bohol Siquijor.

Sa report ng militar, nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo kaugnay ng namataang 14 na rebelde sa Sitio Amilis, Barangay Santol.

Nang magrespondeang mga sundalo ay nagkaroon ng sagupaan na ikinamatay ng apat na rebelde.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

"This is a manifestation that the villagers no longer support the communist ideology,” ayon sa opisyal.

Bukod sa apat na bangkay, ilang baril din at personal na gamit ang nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro.

Sinabi ng militar, sangkot ang nasabing grupo sa pananambang sa mga tauhan ng Binalbagan Municipal Police Station sa Brgy. Bi-ao noongPebrero ng taon.

Dalawang pulis ang nasugatan sa pananambang matapos silang pasabugan ng landmine.

PNA