Kinilig umano ang audience sa US concert ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda nang bigla itong halikan sa labi ng kaniyang mister na si Ion Perez.

Nagkaroon kasi ng special appearance si Ion sa "Fully Vice-cinated concert" ng kaniyang misis sa Pechanga Resort Casino sa California, USA.

Masayang-masayang ibinahagi ni Meme ang mga kuhang litrato sa kaniyang concert.

"ZENKYOOOOW so much sa lahat ng naki-saya and naki-GV chunyt on my #FullyVICEcinated concert! Unkabogable ang energy ng ating madlang people, chugug!!! Hope you all had a great time!" aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod kay Ion, guest performers din niya sa naturang concert ang Kapamilya singer na si Darren Espanto, at ang mga kaibigang comedy duo na sina MC at Lassy.

Pagkatapos ng kaniyang chugug na concert sa California, next stop naman nila ay sa Seattle, Washington at Atlanta City sa Hulyo 8 at sa New Jersey naman sa Hulyo 10.