Lumakas muli ang bagyong 'Domeng' na inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo ng madaling araw.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, hindi na direktang nakaaapekto sa bansa ang bagyo.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na bukod sa nabanggit na bagyo, isa pang sama ng panahon na nasa labas ng PAR, ang nagpapaigting sa umiiral na habagat o southwest monsoon.

Taglay pa rin ng bagyo ang hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 105 kilometro bawat oras.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Huling namataan ang bagyong 'Domeng' sa layong 975 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Dahil dito, ipinaiiral pa rin ang gale warning sa western seaboards ng northern at Central Luzon, ayon pa sa PAGASA.