Pinalawig pa ang 'Libreng Sakay' sa mga pampublikong sasakyan sa Baguio City.

Ito ang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes.

Paliwanag ng LTFRB-Cordillera Administrative Region (CAR), ang service contracting program sa rehiyon ay tatagal pa hanggang Hulyo 15.

Ayon sa LTFRB, aabot sa 1,951 public utility vehicle (PUV) ang kasama sa ikatlong yugto ng programa.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nanawagan din ang ahensya na samantalahin ang programang may layuning matulungan ang mga pasaherong apektado ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Biyernes na palawigin pa ang libreng sakay sa EDSA bus carousel, MRT-3, LRT-2, at mga linya ng PNR dahil na rin sa nararanasang pandemya sa bansa.

PNA