Ibinahagi ng misis ni Senador Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla ang kuhang litrato nila ng kaibigan at dating co-host sa reality show na "Pinoy Big Brother" ng ABS-CBN na si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, habang sila ay tila nasa loob ng dressing room.

Hindi malinaw kung saang event nagkita ang dalawa, subalit marami ang humulang nagkrus ang mga landas nila sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na ginanap noong Hunyo 30, parehong petsa kung kailan naibahagi ang naturang Instagram post.

"Tayo pa rin sa finish line @celestinegonzaga," pahayag ni Mariel.

Nagkomento naman dito si Toni.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Love you (tatlong heart emojis)".

Kapansin-pansin naman sa comment section na nagkomento ng tatlong pulang puso rito ang co-host nila sa PBB at kaibigang si Bianca Gonzalez, na isa namang certified Kakampink.

Inulan naman ito ng mga komento at kinukuwestyon ng mga netizen kung bakit hindi raw nag-reply ang dalawa sa pa-emojis ni Bianca.

Matatandaang sinabi mismo ni Bianca na magkakaiba man sila ng paniniwala at sinusuportahang partido ay magkakaibigan pa rin sila.

Hindi rin nagbitiw ng hindi magagandang salita si Bianca laban kina Toni at Mariel kahit na konektado sila sa UniTeam at nagpahayag ng pagsuporta kina Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.