Nanumpa na rin si Joy Belmonte bilang alkalde ng Quezon City nitong Miyerkules.

Bukod kay Belmonte nanumpa na rin sa kani-kanilang tungkulin ang mga nanalong opisyal ng lungsod.

Sa kabila ng mga natanggap na award mula sa pampubliko at pribadong sektor sa nakaraan niyang termino, ipinagmamalaki pa rin ni Belmonte ang mga serbisyo nito sa kanyang mga botante.

“Ang tunay na sukatan ay wala sa awards. Ang importante ay libu-libo ang nabigyan ng trabaho, bahay at lupa, at nakatanggap ng serbisyo publiko,” aniya.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Kaugnay nito, ipinangako niyang itutuloy pa rin niya ang "14-point agenda" nito at mga bagong plano para sa lungsod.

Isinusulong din nito ang pagpapatayo pa ng mga ospital sa lungsod at ang paggamit ng single-patient record system.